Know Better. Read!
Home  »  Meaningful Life  »  Biboy Enriquez Of Firebird Farms

Biboy Enriquez Of Firebird Farms

February 2, 2014       Meaningful Life

Interview with Sir Biboy Enriquez of FIREBIRD FARMS

Sir Biboy Enriquez is a pioneer among gamefowl breeders.  He is a much sought after breeder with up to 10 bloodlines of the winningest gamefowl breeds on his Firebird Farm in Tanay, Rizal.

He helped develop the sport when it was supposedly just a gambler’s hobby into what it is now, a very competitive combat sport with the best trained, and best bred gamefowl from all over the world.  His Firebird gamefowl have won big tournaments in the country year in and year out.  Sabong is now not just a lowly cockpit ruckus but a gentleman’s sport where people from all walks of life can get together to enjoy.

Biboy Enriquez used to be a guest resource person on Tukaan a stalwart sabong aficionado TV show aired during Saturday on a Question-and-Answer segment about gamefowl farming.  He is an endorser of some of the most effective gamefowl feeds and supplements, and he really tests ANY product that he actually endorses to make sure it is exactly as advertised.

REACH had an opportunity to interview the Sabungero stalwart and the advice he shares is as precious to both starting hobbyists and longtime fans of the sport.


REACH:  You are still in your prime years as both a gamefowl breeder and a competitive participant in big ticket derbies in the local scene.  How does your day usually start?

Sir Biboy Enriquez:  I usually wake up at 5AM tapos magdadasal ng konti bago bababa sa kusina at iinom ng wheatgrass drink.  Tapos mag breakfast na ako, basa na ng diyaryo.  Nag Yoga sessions ako twice a week tapos gym naman thrice a week.  Halos everyday meron akong exercise saka pinapawisan ako kahit papaano.  Yung kinakain ko dapat may mga enzymes at nutrients  na galing sa raw fruits and vegetables, sashimi, saka bawas sa gluten foods.

REACH:  Sa pag-alaga sa inyong Firebird Farm, dahil nga kailangan ng masusing pagsupervise ng lugar at ng mga manok paano ninyo inaayos ang pamamalakad ng farm?

Sir Biboy Enriquez:  Meron naman akong regular employees na nakatutok sa farm na tinuruan ko, meron silang profit sharing scheme para talagang may malasakit sa trabaho ang mga tao.  Pangako ko sa employees ko na  meron silang bahay at lupa sa probinsya, at every 6 months, may percentage silang nakukuha sa mga sales ng gamefowl ng farm.  Sa mga nag-aalaga naman sa range—kung nasaan ang mga sisiw at sila rin ang nag-haharvest, iba naman a ng kanilang incentive.  Pero may bawas kapag may namatay na sisiw or kung may nawala na manok.  Kaya kapag gabi, they take turns sa pagbabantay ng range with a shortgun.  Hindi para sa tao ang shotgun, pero yung mga kalaban ng manok tulad ng sawa or wildcat.  Pero ngayon konti na lang ang namemeste na predator.  Sayang kasi kapag nawala isang manok, Php3k kaagad ang bawas sa incentive ng bantay.  Nagwo-work naman ang incentive.  Kailangang healthy yung manok para hindi kumalat ang sakit.  Yung range nay an may water line na siya.  Ang problema yung init kung summer.  Hirap na hirap ang manok.  Kaya madilim pa nagdidilig na ang mga bantay, sa madaling araw tapos sa hapon ulit.  Para kung ano kondisyon ng lupa gayun din ng manok.  Kung tuyong tuyo ang lupa ganun din ang manok.

REACH:  Halimbawa, Sir Biboy, may nagsisimula na backyard farmer na may alagang broodcock at dalawang broodhen, sa kanilang bakuran, ano ang pinakasulit na marerekomenda ninyong bloodline na bibilhin para simulan ang kanyang hobby?

Sir Biboy Enriquez:   Kailangan kumuha siya sa isang tanyag na breeder na subok para hindi naaaksaya ang panahon niya.  Kasi pareho naman ang ipapakain, yung oras na ilalagay ay hindi saying kapag subok ang stock ng breeder na pagkukunan.  Marami naming magagaling na manok pang sabong.  Kapag nakapili na ay huwag munang magpalaki, para maliit lang muna para magkaroon ng experience.  But importante ang bloodline. Dapat din na magresearch na siya how to breed at what to do kapag nag-aalaga ng pangsabong.

REACH:   Sa libro po ninyo sa gamefowl breeding, nabanggit ninyo na sa ibang breeder usually nasa 2 to 4 lang ang bloodlines ng mga farm nila sa labas ng bansa, pero sa Firebird po  ay umaabot ng lagpas 10 pa ang kaya ninyong bloodlines.  Mas maigi ba ang magbreed ng maraming bloodlines sa Pilipinas?

Sir Biboy Enriquez:   Depende lagi sa objective ng magmamanok ng breeder kung pang-personal na panlaban, puwedeng konti lang ang bloodlines lang then i-maintain niya basta PROVEN at maayos.  Pero kung hindi siya happy sa nakikita niya sa lahi ng manok niya, at may nakikita pa siayng kulang sa manok niya, puwede siyang mag-infuse ng ibang breed or ibang stock para gumanda ang laro at lahi ng manok niya.  Para kang chef na nagtitimpla ng bloodline.  May bloodline na known for their power and gameness pero grounder ang fighting style.  Kung gusto mo ay lumiipad amy bloodlines para doon rin.  So mag-blend ka para kumpleto yung lalabas sa lahi na gusto mo.  Kung may kulang pa, kukuha ka pa ng isa pang bloodline, puwede mo i-three-way-cross at mag-experiment para natimpla mo yung anak sa gusto mong style of fighting.  Eventually you will have your own fighting machines.  Pero ikaw ang gagawa.  Yung excitement nandun.  Meron trial and error.  At yung personality ng tao lumalabas na sa style ng fighting ng manok.  May mga lalake na agresibo yung manok nila ganun din, meron yung malaro, mailag, shifty.  Pangit din naman yung puro ilag at hindi na tatamaan.  Kailangan may laro din may timing, unat ang paa, so tinitignan lahat yun. 

REACH:   Sa pustahan sa sabong, may advantage ba ang siang bloodline sa iba, tulad ng matchups ng Sweater at Kelso, sino ang lamang sa dalawa?  Mayroon bang sure bet?

Sir Biboy Enriquez:  Sa sugal wala akong nakitang yumayaman.  Ngayon, sa system of betting, meron sa experience ko na pag hindi mo level yung pagpupusta, ibig sabihin alam mo kung hanggang saan lang ang bracket mo sa pustahan.  Kapag alam mong magaling ang manok mo, sa bracket mo dapat gayun din ang level ng pusta.  Kung pupusta ko ng hindi kaya ng bulsa mo malamang matatalo. Para bang may nagsasabi sa taas (tingin si Sir Biboy sa langit sabay ekis ng kamay) na hindi na tama.  May kasabihan din na ang best bet or yung sure bet ay malamang  matatalo.  Kasi pag sure bet yunng napili, binobombahan ito ng pusta.  Kaya kailangan ang betting system mo, gradual or maliit lang ang  pag-increase.  Kasi pag nanalo—halimbaang magaling talaga ang kilos ng manok—taasan mo para ma-maximize ang winning streak.  At minimize ang losing streak.  Or baka onse lang.  Maganda ang kondisyon.  Siya yung sign na yun panalo ang una mong taya or laban.  Taas-taasan mo sa next round.  Kung talo naman—nag-iinit ang tenga mo na gusto mo bawiin kaagad at lalakihan mo pusta. Eh malas.  Lalong  matatalo.  Gradual lang.  Kapag talo paurong naman kasi marami pang laban, at madami pang panahon.

REACH:  Kapag kayo naman ang lumalaban sa ibang breeder bilang Firebird Farms, ano po ang pinipili ninyo na sure winner na panglaban ninyo?

Sir Biboy Enriquez:   Lahat naman ng bloodline na inaalagaan naming at pinipili na i-breed ay PROVEN na lahat.  Hindi ako nagpapalahi or nagacuire ng bloodline na hindi ko alam ang historical background ng bloodline na iyan.  The gamefowl have to come from a breeder that has been fighting well using those bloodlines for maybe more than 10 years at hindi lang yung naka-tsamba this year or that year ng panalo.  Yun ang tinitignan ko.  And then nilalaro ko.  At sa akin ngayon partly business na rin.   I have to have many bloodlines.  Sa ngayon naman maraming empleyado na nagpapalakad ng Firebird Farm, at may computers for record keeping at tracking ng data kaya kahit maraming bloodlines kaya naman mag-maintain ng maganda at consistent na gamefowl.  We are a member of a Breeder’s Association at we also fight para ma-recognize ang farm.  To showcase our roosters.  Sa mga derby na malalaki din kami nakakakita ng buyer ng mga gamefowl namin.  Kung hindi lalaban ang isang breeder or farm, hindi ka makikita, makakalimutan ka kaya you have to be competitive sa mga derby.  And then after the stag derby season, that is usually August to early December, cocks sa World Slasher sa Araneta naman ang labanan.  Big fights na lang ang sinasalihan naming. Sa Dumaguete, meron Chinese derby  every year.  Sa Cebu,  meron ding mga derby.  Tapos the rest, binebenta na namin.

REACH:   Before every big tournament, tulad ng World Slasher.  Paano ang preparation for conditioning yung mga panlaban ninyo?

Sir Biboy Enriquez:   Every year pumipili yung supervisor ng X number of rooster stags na hindi pabenta or pang-personal.  Palulugon iyon at pagkatapos ng lugon nila, ilalagay sila sa kulungan ng personal gamefowl ng Firebird.  Inii-sparring session yun ng thrice a week.  Mayroon rating yung sparring nila.  Nagpapasobra kami ng kalahati na pabenta at kalahati tatago namin panlaban.  Yung mga binukod naming na panlaban, may reconditioning period yun tapos sparred once or twice a week with a rating sa kilos at sa bitaw:  meron A, A+, A-, tapos kapag time na ng derby, mga one month before or 25 days before the fight kelangan naming piliin ang panlaban.  Kung 5 cock derby siya, pipili kami ng 10, tapos pipili ng lineup.  Yung mga consistent na A rating lang ang pinipili for derbies, pero kapag World Slasher or mga malalaking derby, hindi lang A rating; kailangangi alas talaga or A+ kasi nakasalalay ang pangalan ng Firebird.

So ngayon, naguumpisa na sila.  Kaya pag nakita mo yung whiteboard doon, ang daming may rating na nakalista para sa lineup ng stags at cocks.  Taos kapag nakapili na, i-deworm namin iyun tapos de-louse tapos conditioning na.  The trainers wake up at 4AM tapos sinisimulan ang conditioning according to the book.  Kapag offseason naman, ang nilalaban naming yung mga stags—yung mga 9 to 10 ½ months old.  Stag season naman pagkatapos ng mga malaking derbies.  Halos walang lull sa mga derby.  Halos July lang ang bawas sa labanan.

REACH:   Sa panahon ngayon, malaking bagay ang science sa pagaalaga, breeding at pagkondisyon ng gamefowl.  Gaano kalaking tulong ang kaalaman sa pagsasabong ngayon?

Sir Biboy Enriquez:  Yung moisture content, ang isang example ng kaalaman na malaking bagay sa performance ng gamefowl sa sabong, saka yung feel ng manok sa hawak ng handler.  Kelangan may konting lambot, kapag matigas masyado, maiksi lang, at mababa ang palo nito.  Kapag malambot masyado, malabsa naman ang palo.  Minsan tight yung manok.  Kapag sobra ang moisture, medyo sluggish; kapag dry ang manok, short ang cutting.  Lahat ito malalaman mo sa feel or hawak sa manok.  Obserbahan mo ang droppings sa day ng fight.  Kelangan sana nasa peak condition ang manok pag nandun na.  Sa sistema kasi rin naming ang ginagawa nasa libro yung ginagawa namin.  Through experience may nagkokondisyon malalaman yun.  May derby notes ako na nakarecord yun duon.  Para yung magandang performance na analyze kung ano ginawa para ma-maintain.  Pag masama ang results, bakit ganun ang nangyari?  Check sa notes.  Bihira na rin ako pumunta ng laban.  Si Robie ang pumupunta para mag-notes kasama ng Firebird team.

REACH:  May sistema rin ba ang pagtatari ng manok?  Ang nagtatari para sa Firebird ay si Robie?

Sir Biboy Enriquez:   Kanya-kanya yan pero dinala ko si Robie para matuto at makahiligan ang pagtatari sa mga tanyag at respetadong nagtatari.  Mga expert at tuwang-tuwa naman sila dahil babae ang mag-aaral ng craft—na-glamorize ang kanilang trade in a way.  At tinuruan naman si Robie ng mahusay, and to show appreciation niregaluhan ko sila ng manok.  May pumunta rito sa farm para magturo, may pumunta sa bahay para magturo.  Kaya iba’t ibang style ng pagtatari ang natutunan ng tao ko.   Pati yung korte ng tari pinag-aralan niya kaya confidence level niya tumaas.  So kung ano ang nagustuhan  niyang way ng pagtatali yun ang ginawa niya.  Tapos lalong lumalim ang understanding niya.  Advantage ng babae na nagtatari ay dexterity ng kamay at maganda siyang magsapin, malinis at pulido.  Mas gusto niya ang ginagawa niya.  Sabi ko okay.  Tapos magandang publicity rin para sa Firebird.  Para na rin siyang celebrity na rin kaya kapag dumadayo kami sa ibang lugar na may derby, pinagkakaguluhan siya kapag nagtatari kami kapag pre-fight, sinisilip kung paano siya magtari.  Na-feature na rin siya ng National Geographic nuong nagfeature sila ng manok sa farm, sabi ko si Robie ang nagtatari at kinuhanan siya ng video.  Pati Discovery Channel ng France, kinuha rin siya ng video sa pagtatari.  May recognition talaga yan.  Saka feeling niya kapag tinarian niya—ako rin—kapag ikaw ang nagkabit ng tari parang ikaw na rin yung pumapalo.  Nagka-phobia ako dahil naaksidente ako nuong 70s sa pagtatari sa isang laban sa Rizal.  Nahiwa ng malalim na sugat  kamay at braso ko.  After a year, at nagheal na ang sugat, sinubukan ko ulit magtari kaso nagkaroon ako ng flashback noong hawak ko na yung manok, nagdilim ang paningin ko, tumigas ang braso ko.  Binagsak ko tuloy yung manok at umatras na lang ako.  Natalisod tuloy yung manok  at  ayun natalo.  Natalo.  Wala na, sabi ko ayoko na at baka maputol pa ibang parte ng katawan ko (smile si Sir Biboy at takip ng dalawang kamay sa harapan ng shorts niya, tawa kaming lahat.) 

REACH:   Sa pagpromote ng sport ng sabong paano po kayo nakatulong para ito ay umunlad nuong araw?

Sir Biboy Enriquez:   When I promote the sport, I make sure na parehas.  Pati manok ko hindi pinapaboran.  Kaya nakita nila promotion ko successful.  Ang pinakamagandang sabungan  sa Pilipinas noon  ay yung sa Teresa, Rizal, dinadayo pa yun nina Danding Cojuangco nan aka helicopter.  Kaso ngayon sarado na siya kasi nagkaroon ng isyu noon na malayo at dadaan pa ng Antipolo at nagkaroon ng holdapan ng mga dumadayo.  Tapos nagkaroon ng mga magandang sabungan sa Metro Manila kaya bakit pa dadayo sa Teresa.  Kapag pasabong ko nuon, aarkila pa ako ng mga aircon busses na nakaparada sa may Corinthians at White Plains sa EDSA sa umaga.  Kahit sinong gustong manood ng sabong libre sakay, kahit sa paguwi libre sa gabi libre sakay pabalik ng EDSA.  Basta tuwang tuwa ang mga tao.  Punong puno ang rafters ng sabungan.  Pero natural na-compute ko  siyempre yung entrance fee na papasok sa sabong saka renta sa bus.  When promoting a derby you have to be innovative to promote the sport well.

REACH:   Paano kayo kumuha ng suppliers para sa pag-manage ng Firebird Farm?

Sir Biboy Enriquez:   Noong nag-umpisa ako alam kong hindi lang bloodline kung hindi kalusugan ang number one concern din.  Kaya kailangan kong kumuha ng tamang feeds.  Kumuha ako ng samples ng feeds ng iba’t ibang produkto sa iba’t ibang company.  Pinadala ko sa Bureau of Animal Industry dahil gusto kong malaman kung sino ang nagsisinungaling.  Pina-analyze ko especially yung protein level saka energy level or calorie content yung importante sa akin.  So doon ko napili yung ginamit ko sa manok ko.  Kailangan din na sariwa kasi may shelf life din yun eh.  Kapag over a month na bumababa ang quality at minsan aamagin na.  Kailangan  din nakatakip dahil nag oxidize din siya na parang hiniwang mansanas na exposed sa air.  Importante talaga yung sariwa.  Yun ang advantage ng America, kaya ang mga manok ng breeders nila ay mahaba ang bagwis at amalakas pumalo.  Magaganda ksi at sariwa ang feeds nila.

REACH:  Paano po kayo nahikayat na mag-endorse ng mga sikat na brands ng gamefowl feeds and supplements and medicine?

Sir Biboy Enriquez:   Ako ay na-invite para magbigay ng pointers at conditions sa TUKAAN, isang sikat na TV show focused sa sabong na ngayon mapapanood tuwing Saturday.  Nagustuhan ni Emoy ang system na ginawa namin at ako ang naging permanent resource person for a Q&A tungkol sa Farm Management, The Biboy Enriquez Q&A portion.  Dahil sa show na iyun, tumaas ang popularity ko.  Madaming baguhan ang nag-appreciate dahil marami silang natutunan.  Inaabangan din nila at nagustuhan nila ang palabas.  Kaya na-recognize din ako ng mga Feeds companies at mga gumagawa ng gamefowl product.  Doon na ako na-offerna mging endorser.  Pinag-aaralan ko pa rin kung effective ang produkto—yung Supremo sa mga Gokongwei, yung Secret Weapon na mineral supplement, Rid-a-Worm for de-worming, at Belamel na isang Vitamin B complex supplement, pati na rin yung pro-biotic na Wow Manok.

REACH:   Sa bentahan ng mga gamefowl, ang binebenta ba ninyo ay anak ng mga nagpanalo sa tournament, mga champion din? Ano ang pinakamabenta sa mga gamefowl ng  Firebird Farms?

Sir Biboy Enriquez:   Kilala ako bilang Kelso Man of the Philippines, kaya Kelso ang mabenta sa amin.  Mataas ang demand sa amin ng mga pang-breeding.  Mga broodfowl na pure breed.  Yun ang mas mataas ang demand ngayon.  Every year naman pagpasok ng December 1, mayroon Christmas SALE ang Firebird.  Yung mga older stag at older pullet na ayaw na naming mag-shed pa ng feathers na  aalagaan pa sila sisikip lang.  Turnover.  Kasi may off season breeding kami na towards the end of December.  Sila naman ang i-harvest namin.  Kaya yung naiwan kailangang maubos namin.  So yun ang aming cycle.

REACH:   Paano po ninyo mapapaliwanag sa ibang Pinoy ang kaibahan ng mga manok pangsabong pati na rin ng sport ng sabong na bahagi ng kultura ng Pilipino at hindi ito kapareho ng mga ibinabandera ng mga animal rights activists na pagpapaaway ng aso or pagpapaaway ng kabayo na madugo at brutal.  Paano naiiba ang sabong?

Sir Biboy Enriquez:   Well, itong mga bloodlines for fighting, they will not exist if not for fighting, unlike dogs na nandiyan for a different purpose at hindi ang paglaban sa kapwa aso.  Gamefowl were bred to fight.  Kung hindi, ay puro table chicken broiler ang papalahiin ng mga tao kasi table chicken ang fast growth type na manok—ibig sabihin mabilis bumigat kapag pinakain.  Kaya wala rin yun at kakatayin din para gawing pagkain.  Pero dito sa Pilipinas, kapag inalis iyan, mahirap.  Pero kung may susubok na alisin yan magkakaroon ng rebolusyon.  Sa tingin ko, dahil ang politician para mapalapit sa masa, nagiging sabungero din para makakuha ng boto.  Because ang sabungan is the one gathering place where you can find all walks of life na nandoon rubbing shoulders with each other to enjoy a common hobbysport.  Ang downside lang ng nitong sport ng cockfighting ay kung na-addict sa sugal or pustahan ang isang tao.  Kasi ako na-addict din dati at nakita kong hindi tama.  Yun lang ang tangi kong pangaral sa mga baguhan kapag nagsasalita ako.  Wala naming yumaman sa sugal.  At hindi padamihan ang sabong kung hindi pagalingan sa bahagi naming mga breeders at gamefowl farms.  Konti lang ang alaga pero magagaling.  Mayroon madami nga pero hindi magaling, lalo kang matatalo dahil mapipilitan kang ilaban.  So hindi padamihan pero pagalingan.

REACH:   Ano ang experience ninyo sa mga annual Gamefowl Expo conventions sa World Trade Center?

Sir Biboy Enriquez:   Naku! Napakasaya.  Kaya nagiging mas popular na ngayon ang sabong.  Nandiyan lahat sa mga Gamefowl Expo.  Yung mga hinahangaan nilang breeder nandoon.  Yung mga produkto ng mga manok, nagbibigay sila ng giveaways.  Nakakabili rin sila ng gamefowl.  May mga raffle ng prizes.  Ang saya ng event talaga.  Gumagaya na rin ang Cebu.  I think they’ll do it every year na rin.  Magiging instead na isang Gamefowl Expo, magiging tatlo na sila.

REACH:   Kumusta naman po yung response ng mga fans at supporters ng libro ninyo sa Gamefowl Breeding?

Sir Biboy Enriquez:   Positive naman.  Natutuwa sila sa libro.  Maraming nagsasabi na tumaas ang winning nila dahil sa libro.  Nagpapanalo na rin sila.  Kaya kami tuloy tuloy pa rin.  Kapag naubos, reprint ulit kami.  Meron naman Tagalog at English versions para lahat makinabang.

REACH:  Sa susunod na makausap po naming kayo, hihingi sana kami ng pointers para sa mga readers kung ano ang katangian ng bawat bloodline ng gamefowl para may idea sila kung ano gusto nila pagpapalahi.  Bilang panimula, ano ang maibabahagi ninyong kaalaman tungkol sa gamefowl na tinatawag na RADIO?

Sir Biboy Enriquez:   Hindi masyadong sikat ang RADIO sa Pilipinas.  Nag-originate ang breed na it okay Johnny Jumper sa States, bloodline niya ito mula sa breeding ng ½ Whitehackle saka ½ ng Murphy.  Kaya tinawag na RADIO kasi maingay ang manok na iyan, kapag kinu-condition nagcha-chatter, cluck..cluck…cluck…cluck…cluck!  Nasabi ni Johnny Jumper parang RADIO ito ah!  Magaling ang manok na ito noon, nananalo.  Hindi ko na maalala kung ilang beses ito nanalo sa States.  Nagbreed si Johnny nito, ginawan niya ng lahi at maayos naman ang cross.  Hindi ito masyadong popular sa Pilipinas, kaya hindi mataas ang demand pero nagmaintain pa rin ako sa Firebird ng konti kahit lang pang-cross.  Paanos siya nakikipaglaban?  Abang ang diskarte, may cutting at powerful pumalo ang paa, kasi ang Whitehackle ay known for power tulad ng Kelso.  Mabagal lang siya kumpara sa ibang gamefowl. Puwede siyang i-cross sa Kelso or Sweater para magkaroon ng konting speed, or sa Bulick para maging kumpletong panlaban.

Feedback

comments powered by Disqus
Copyright © 2013-2025 DynamicMind Publishing Inc. All rights reserved.
DynamicMind Publishing Inc.

Follow Us