Know Better. Read!
Home  »  Meaningful Life  »  Blitz Chess Pinoy Champ: Haridas Pascua

Blitz Chess Pinoy Champ: Haridas Pascua

March 28, 2016 | By: Michael Rene Kanoy       Meaningful Life
Haridas Pascua

Standard & Blitz Chess Pinoy Champ


Haridas Pascua is the Philippines hottest young chess prodigy.  The young man who is now based in Baguio, but who lives in Pangasinan, is a FIDE-ranked, International Master who has successfully competed in overseas chess tourneys with the top players from strong chess playing countries like China, India, Europe and Russia.  He is only a few points shy of making the 2500 ELO, official Grand Master status and will be the 18th Pinoy to achieve that rank.  Haridas is currently ranked 13th among the country's top chess players at the Grand Master level.

He has won medals in several chess tournaments--most of the local events now carry a considerable cash prize--enough to entice young players to join and test their mettle while helping the pool of local chess players get much needed high-level chess competition.  International events offer a more formidable prize structure as well as the prestige of playing against the smartest and most competitive chess players in the world.


Image Credit:  Haridas Pascua, used with permission

One thing most people don't know about Haridas Pascua, is that he plays Blitz Chess like a champion.  

Most of us might think of chess as still a slow, thinking man's game from the 90s when Gary Kasparov and Russian players lorded it over in FIDE competitions worldwide in three-hour matches.  In the last 6 or so years, international chess bodies have now recognized Fast Chess or Blitz Chess as a legitimate competition format and have made available official guidelines to sanction the faster game.  

Like volleyball, which did away with the side-out to rejuvenate an already good and competitive game into a more visually exciting and more watchable sport competition, classic chess eschewed the time limit and cut it to a 10 minute max which is what defines the game as blitz chess—faster thinking to win it all or lose from time default.  The new and faster game has brought in many new young players from all over the world as strong chess players.  

Young women have also become local superstars in the countries where they excelled at playing blitz chess against ranked male players and within age group competitions.

Reach magazine talks to Haridas Pascua about Blitz Chess and his rise among the ranks of the strongest among Filipino chess masters.

REACH:  Hello Haridas!  Good to talk to you to help us be more familiar with Blitz Chess as a great format for getting good players into the game.  Paano ka nagsimulang maglaro ng Blitz Chess sa competitive na local tourneys patungo sa competitive na regional at worldwide FIDE sanctioned na mga laban?  Kuwento mo nga yung mga memorable na games mo...


Image Credit:  Haridas Pascua, used with permission
Haridas Pascua (IM) of the Philippines versus Gupta Abhijeet (GM)
of India
, Haridas won the Blitz chess match via Mate.

Haridas Pascua: Hello po. Nagstart po akong maglaro ng chess nuong 4-years-old ako at nagsimula din po ako na mag Blitz nuon. Halos araw-araw po pinapalaro ako ng Tatay ko sa mga players sa chess club namin sa Pangasinan. 

Isa po sa di ko makakalimutang laro ko sa Blitz recently yung nakalaro ko po si Gupta Abhijeet ng India. Last round po kami at kung sinong mananalo, may chance sa top 3 sa Asian Continental. Complicated po laro namin pero sa huli na miss po nya yung threat ko kaya na mate ko siya.

REACH:  Ang Blitz Chess ay nilalaro sa mga format na 10 minutes, 5 minutes, at pati 1 minute.  Kapag naglalaro ba kayo sa international competition ay best of 3 or 5 ang inyong mga laban or round robin per board, sudden death one game knockouts?

Haridas Pascua:
Usually po sa mga sanctioned na tournaments, ginagamit po ang Swiss system kaya 9 rounds po talaga.  Depende din po kasi iyan kung anong gustong format ng organizer ng tournament.

REACH:   Ano ang advantage ng Blitz Chess sa isang player kung nagsisimula pa lang siya?  Mas mainam bang magsimula sa mas mabagal na Standard Chess or mas mabuting sumabak kaagad sa mabilisang laro (10 minute or less) para mahasa kaagad sa diskarte at pagintindi ng mga opening at mga attack strategy?  Sa mgs schools ba sa inyo ay pinapalaro ba ang mga bata ng Blitz Chess format?

Haridas Pascua:  Ang standard po ang pinaka-importante. Mas malalim po mag-isip kapag sa Standard kumpara sa Blitz chess. At saka hindi po magiging FIDE ranked or GM-titled player ang manlalaro kung Blitz Chess lamang ang lalaruin kaya mas maganda po na magsanay sa Standard at less sa Blitz. Blitz po talaga ang laro ng mga karamihan sa bata kasi naiinip mag-isip kapag matagal ang laro tulad sa Standard.

REACH:  May kaibigan ka bang mga international player?  Si Eugene Torre ay close friend dati ng eccentric champion na si Bobby Fischer.  Sino sa mga magagaling na ranked player ang naka meet mo at naging colleague at kaibigan sa laro?  Sino ang mga iniidolo mong mga GM na player sa mundo ngayon at ano ang gusto mo sa diskarte ng laro nila?  Ano ang pinakamemorable mong panalo na international tournament kasi nakita ko pangalan mo sa isang ranking at ikaw lang ang IM at halos lahat ay GM pero mataas ang panalo mo sa kanila.

Haridas Pascua:  Madami po akong kaibigan sa ibang bansa pero isa sa pinakamagaling na kaibigan ko po ay si Wesley So. Siya po ang kaedad ko na player at halos nakakalaban din lagi sa  mga sanctioned na tournament.  Iniidolo ko po sa laro ay sina Magnus Carlsen at Viswanathan Anand. Opo, sa Asian Continental po yung tournament na yun kung saan tied for 2nd place po ako as International Master among a field of Grand Masters.


Image Credit:  Haridas Pascua, used with permission
Richard Rapport versus Haridas Pascua in Standard chess,
match ending in a draw
.
REACH:  May preferred openings ka ba for Blitz compared to Classic Chess?  Paano mo madescribe ang play style mo?  Si Magnus Carlsson ng Norway ay nasabing kahawig ni Karpov at ni Fischer in the sense na mabilis siyang magbasa ng position at kalmado siyang maglaro kahit mabilisan at mayroon siyang diskarte dati na mag sacrifice ng piyesa para magka advantage ng position—tapos ngayon mas kaya na niyang sumabay sa kahit anong diskarte ng kalaban.  

Haridas Pascua:  Preferred ko po yung magulo kasi kapag complicated po ang isang laro, mas mahihirapan makapagisip. Ang style ko po ay aggressive at tactical play. Opo, isa sa mga Chess egend si Fischer at bilib po ako sa mga laro nya na complicated ang diskarte dahil tactician din po sya.

REACH:  Marami na rin palang babaeng chess player na naging champion sa Blitz Chess tulad ni Estonia champion, Triin Narda—na naging sikat din dahil para siyang 'girl next door' na artista pero mabangis siyang maglaro ng Blitz Chess sa age-group competition.  Sa Pilipinas ba ay marami na ring naglalaro ng chess na kababaihan or ito ba ay gawa lang ng malalim na tradition ng Russia at mga Slavic nations at European nations at pati Middle East sa laro ng chess kumpara sa Asian countries—although malakas maglaro ng Blitz Chess din ang mga Indian at Chinese players?

Haridas Pascua:  Usually po kasi sa dito sa Pilipinas, Standard tournaments po ang focus pero madami pong magagaling sa Blitz na babaeng chess player sa atin.


Image Credit:  Haridas Pascua, used with permission
Haridas Pascua winning a Standard Chess match
versus Tigran Petrosian 
(GM)


REACH:  Alam ko rin na ang chess ay nakakapagbigay ng malaking tulong sa paraan ng malikhaing pag-iisip sa pag solve ng mga puzzle at sa diskarte ng strategy na maaari din na magamit sa totoong buhay at pati sa ibang klaseng mga laro—dahil naglalaro din ako ng chess—para sa iyo ano ang magandang makukuha sa regular na paglaro ng Blitz Chess at pati na rin sa Classic Chess, may nakukuha bang aral sa dalawang playing formats na ito?

Haridas Pascua:  Una po na matutunan ay disiplina. Kasi po sa larong chess, hindi ka pwedeng mag-ingay o gumawa ng kung ano mang bagay na nakakadistract sa ibang manlalaro.

Pangalawa po pasensya. Kung tutuusin po sa larong chess, may mga umaabot ng 6 hours ang laro sa Standard. Kung walang pasensya ang isang player, mahihirapan syang magisip ng matagal at manalo.

Pangatlo po yung sportmanship. Sa chess po kasi, panalo, tabla man o talo, mag-a-analyze po ang naglaban at dahil dun, walang sama ng loob sa natalo. Sabi nga po nila, magkalaban sa chess board pero magkaibigan pagkatapos maglaro. At tulad po ng ibang sports, kapag natalo ako sa malakas na player, nakakabangon ako ulit. Ang totoong champion ay iyung hindi sumusuko at lumalaban hanggang sa makamit niya yung pangarap nya.

REACH: 
Ano ang pinakagusto mong openings para sa Blitz Chess for playing White—tapos for playing Black?  Sa Standard Chess—same question?  Ano ang gusto mo sa diskarte ng preferred opening mo for Blitz Chess—malakas bang maka board advantage or maka create ng traps?  Anong books ang recommended mo for studying chess openings na type mo?

Haridas Pascua:  Sa Blitz Chess po for white: Catalan or English, at for black po: King's Indian or Gruendfeld. Pareho lang din po ang openings na gusto ko sa standard. Mas exciting po kasi diskarte kapag naglalaro ng Blitz, madaming traps, tricks at bluff plays. Depende po kasi yan sa opening pero ang binabasa ko po ay Chess yearbooks para updated sa mga openings.

REACH:
  Kung bibili ka ng chess set at may budget kang makabili ng kahit anong brand or kaya mong ipagawa ang chess set mo sa kahit sinong craftsman (tulad ni Benjie Reyes ng Antipolo) anong brand ang ma recommend mo na magandang investment for chess lovers na gustong magkaroon ng pamanang board set para sa sarili nila?  Sa chess timer din, meron bang mga premium brand na preferred ninyong mga mahusay maglaro?  May nakita kasi ako sa Quiapo sa Muslim quarter na may digital timer sila at magandang board ng chess na hindi basta basta at naglalaro lang sila sa tabi ng isang kainan ng Blitz Chess.

Haridas Pascua:  Ang maganda po para sakin ay yung tournament board: yung DGT brand na chess board. Sa clock naman po yung DGT 3000, kung saan pwedeng gamitin yun para direct po sa PC.

REACH:  Siyempre, normal na tao din tayo na hindi chess lang ang gising at tulog natin araw-araw.  Anong ginagawa mo kapag hindi ka naglalaro or in preparation for tournaments?  May favorite reading ka ba or authors?  Anong movies or anime ang hilig mo as a young person or hindi mo type yung mga ganuong diversions?  

Haridas Pascua: 
Mahilig po ako sa mga sports tulad ng basketball, tennis at badminton. Mahilig po ako sa anime, lalo na yung palabas na One-Punch Man, Fairytail, One Piece at Naruto.

REACH:  Salamat sir sa pagbigay sa amin ng interview at sana ay lumakas pa ang paglalaro ng Blitz Chess sa mga Filipino sa lahat ng lugar natin at maipanalo mo ang GM mo pati isang matinding international Blitz Chess tournament!

Haridas Pascua:  Thank din po sir. Godbless!

Feedback

comments powered by Disqus
Copyright © 2013-2024 DynamicMind Publishing Inc. All rights reserved.
DynamicMind Publishing Inc.

Follow Us