Know Better. Read!
Home  »  Memory Angel Romances  »  Mister Dreamboy Visits (Filipino Version) Chapter 2

Mister Dreamboy Visits (Filipino Version) Chapter 2

December 18, 2013 | By: Michael D. Kanoy       Memory Angel Romances


Here he is....  SIGH.  Can't stop hopping in joy.......


CHAPTER 2

Dumating ang araw na magkikita muli sina Venser at Eesha.  Nagising ng maaga nuong araw na iyon ang dalaga at hinakot niya ang mga bagong panindang alahas na ibebenta sa kanilang tindahan sa Tiangge malapit sa Jollibee sa gitna ng ciudad ng Puerto Princesa.  

Isa na namang maliwanag na umaga ng Biyernes ang sumalubong sa Puerto Princesa at si Eesha ay sabik na inaabangan ang pagdating ni Venser para masilip ang mga bago niyang panindang mga alahas, mga gawa na kanyang ibinukod dahil natatangi ang ganda ng kanilang pagkakagawa at inaasahan ni Eesha na magiging magandang regalo ang mga iyon para sa kanyang  ‘Ate’ Akee Roma, ang  ipnakilala ni Venser sa kanya na kunwari lamng ay ka-love team niya sa showbiz ngunit hindi talaga ka-seryosong kasintahan ng lalake sa tunay na buhay at kamag-anak pa niya ng lihim.

Nang maging ma-traffic na ang kalye sa harap ng Tiangge sa paglapit ng katanghalian, nakita ni Eesha ang pamilyar na dilaw na Range Rover ni Venser na pumarada sa building sa tapat ng Tiangge at bumaba dito ang isang makisig na lalake na artistahin at nasa early 20s.  Ni-lock nito ang pintuan ng Rover at naglakad palapit sa sikat na Tiangge ng alahas ng ciudad.

Halos hindi makatayo ng maayos si Eesha at para itong galawgaw na batang hindi mapakali at kinikilig sa pagdating ng artista niyang kaibigan na si Venser.  Nakangiti sa kanya ang hinahangaan na artista nang pumasok ito sa Tiangge at lumapit sa puwesto ng tindahan nila.  Para lang siyang matagal na nawalang Kuya na bumalik mula sa kung saang destino ng mga guwapo at matipuno.

"Hi Eesha!  Mag-iisang taon na rin ah, at ganda mo pa rin!  Kumusta college?  Gusto mo bang dumayo ang banda namin sa college fair ninyo?  Gusto ko sanang dumaan din ng Cebu ngayong taon at makita kung saan ka.  Ano mga paninda mo ngayon na puwedeng iregalo ko sa Ate Akee ko ngayon?" , sabi ni Venser na mlambing na nakangiti sa babaeng nakatama sa puso niya.

"Oist Venser!  Napanood ko lahat ng labas mo sa TV at mga palabas mong iba!  Kelan susunod mong movie?  Yung horror sequel sa Gunslinger Kommando?  Narinig ko kasama mo yung seksing kambal na sina Yanna at Zakki blang kalaban mong bampira!  Ang saya-saya nuon kung ganun.  Saka selos ako sa kanila ha.  Sana makapunta ako sa movie premiere ninyo sa Manila." , masugid na hiling ni Eesha na parang makulit na Satinet dove.

"Ay, maayos naman ang college.  Natuto kaming mag-bake ng quiche, isang French na pagkain.  Medyo nakakaloko matimpla ng tama at mahusay pero masarap naman.  Uy! Gusto kong dumayo kayo sa College Fair namin.  Maganda ang Cebu pero na miss ko talagang bumalik dito sa Puerto Princesa buong taon habang nasa college ako at kung kaya lang na makauwi ako bawat linggo pag homesick ako gawin ko sana.  Ay, nakapagawa kami sa alahero ng magandang kuwintas at bracelet para kay Ate Akee!  Hi hi hi!  Ka in-love talaga kayong dalawa sa mga palabas ninyo at mabuti single ka pa rin at di alam ng iba na pinsan mo lang siya at sa akin mo lang pinaalam.  Hi hi hi.  Ikaw ha." , bungisngis ni Eesha na masayang masaya sa kasama.

Pinakita ni Eesha kay Venser ang mga Mother-of-Pearl moxes, black pearl signets, ilang Chinese-made ivory octopus earrings, magnetic ankh pendants, magnetic bracelets at ilang stone-bead necklaces.

Nasabi ni Venser kay Eesha na ang girlfriend este pinsan na Ate Akee niya ay mahilig mag-accessorize kapag sumasayaw ito sa weekly TV variety supershow.  Masayang masaya si Eesha kapag nakikita niyang suot yung mga alahas na paninda nila ng mga artista niyang hinahangaan tulad ni Akee Roma.

Sumsayaw si Akee sa channel 8 ng mga mainit at kaakit-akit na production number at mga kanta at ipinagmamalaki ni Eesha sa mga kaklase niya na si Akee ay nagsusuot ng mga alahas nila pang accessory sa mga seksing costumes nito.  Ang mga kaklase naman ni Eesha ay nagtitili sa inggit at paghanga sa kaibigan nilang sikat kahit sa maliit lamang na paraan na ibinabanggit ang pangalan niya bilang pasasalamat sa costume accessories ni Akee Roma.  Mas malakas tuloy ang benta niya ng mga accessories at alahas na kagaya ng sinuot talaga ni Akee sa mg paglabas nito sa TV at pelikula sa mg aka eskuwela niya.  Kahit ganun lang ang pagkakaibigan nila ni Venser, ang guwapong rockstar at artista ng channel 8, ay masaya na si Eesha. 

Mister Dreamboy Visits (3 X 3 HEARTS)

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3
  4. Chapter 4
  5. Chapter 5
  6. Chapter 6
  7. Chapter 7
  8. Chapter 8
  9. Chapter 9
  10. Chapter 10

Feedback

comments powered by Disqus
Copyright © 2013-2022 DynamicMind Publishing Inc. All rights reserved.
DynamicMind Publishing Inc.

Follow Us