Know Better. Read!
Home  »  Memory Angel Romances  »  Mister Dreamboy Visits (Filipino Version) 3 X 3 Hearts

Mister Dreamboy Visits (Filipino Version) 3 X 3 Hearts

November 29, 2013 | By: Michael D. Kanoy       Memory Angel Romances
Mister Dreamboy Visits  ( 3 X  3 HEARTS ) 





CHAPTER 1

Si Eesha ay dalagitang probinsyana na nag-aaral sa Cebu tuwing School Season.  At tuwing bakasyon ay umuuwi sa kanyang bayan sa Puerto Princesa as Palawan.  Ang maliit niyang bahay na malapit sa kabiserang Puerto Princesa ay isang maayos at modernong bungalow sa loob, pero mistula itong bahay bakasyunan na gawa sa nipa at bamboo mula sa labas kasi ganito ang gustong ayos ng kanyang ama para matulad ito sa mga bahay bakasyunan na makikita sa mga sikat at sosyal na resort sa mga beach ng Palawan.

Mahal ni Eesha ang Puerto Princesa, at dito siya lumaki bilang isang matalinong scholar sa high school na nakakuha ng karangalan sa isang sikat na State University sa Cebu.  Hindi niya masyadong na-miss ang pag-aaral sa kolehiyo, kahit na marami siyang natututunan sa pag-aaral niya sa isang mahusay na culinary degree. 

Maganda ang pag asang makakuha siya ng prestihiyosong career bilang isang chef sa isang hotel sa Maynila o sa isang holiday cruise ship sa Asia or sa Europe. 

Ngunit ang magandang panaginip na ito ay matagal pa bago mangyari.  Sa ngayon, mas nag-aalala si Eesha sa pagbalik niya sa Tiangge sa ciudad kung saan may puwesto ang pamilya niya at nagbebebnta sila ng mga magagandang alahas na gawa sa mga batong mamahalin at mga perlas.  At lahat ng kanilang benta ay sobrang mura kumpara sa parehong tinda sa Maynila kaya puntahan ng turista ang Tiangge sa Puerto Princesa para mamakyaw ng regalong alahas para sa mga minamahal sa buhay at para sa sarili nilang mga negosyo ng jewelry sa Maynila.

Nagmamadali si Eesha makabalik sa kanilang tindahan nuong araw na iyon dahil mayroon siyang inaabangan na regular at suking bisita sa kanilang puwesto.

Isang sikat na artista sa TV at pelikula—si Venser Sojoner!  

Bawat taon ay bumababa si Venser  sa Palawan para magbakasyon at nang nalaman ni Eesha na nagpapatayo ito ng sariling mansion na malapit sa kanyang baryo ay sobra siyang natuwa dahil si Venser lamang ang kanyang pinakamamahal na crush sa mga sikat at guwapong artista sa TV ngayon.  Nakolekta ni Eesha lahat ng picture ni Venser sa internet sa kanyang maliit na computer na 8 na taon na sa kanya at kahit na umaabot ng 30 minuto para lang mag download ang bawat letrato ay matiyagang hinhintay ni Eesha na makopya ito kahit na low-rez ang iba niyang nakukuhang letrato.  

Basta si Venser ay sobrang guwapo sa kanya at hindi niya maaring palagpasin na hindi makuha lahat ng letrato nito sa internet para araw-araw ay iba-iba ang wallpaper niya sa computer na letrato ni Venser Sojoner.  Isa talaga siyang tunay na fangirl ng kaisa-isang pogi na artista sa Pilipinas—siyempre walang iba pa kung hindi si Venser.

Ngayong taon ay makikita niya si Venser muli at matutulungan niya itong mahanap ang mga murang bilihan ng kasuy at sariwang malalaking sugpo mula sa malapit na dagat pamilihan ng Puerto Princesa.

Sa Maynila naman, si Venser ay excited at sabik na makabalik sa Palawan muli.  Ang kanyang bagong mansion ay matatapos na sa loob ng 3 buwan, ngunit ang tunay na dahilan ng kanyang pagbalik sa Palawan, na siyang huling frontier sa Pilipinas, ay hindi ang pag bisita para makita ang bahay niyang halimaw sa ganda.  

Mahal ni Venser ang trabaho niya bilang artista sa mga pelikula at mayroon pa siyang gig bilang lead singer ng isang alternative rock band. Hirap nga siyang iwanan at bitawan ang kanyang trabaho at career sa Maynla.  Ngunit nag-iba lahat ito nang may makita siyang isang dalagitang tindera habang namimili siya ng mga regalo para sa kanyang girlfriend.  Halos kakatapos lang ng high school ang hitsura ng dalagitang na meet niya noon at alam niyang masugid na fangirl ito pagkatapos magpa-otograp ito ng 3 dosenang malabong letrato na dala dala nito sa isang album nang makilala at mamukaan siya ni Eesha at tumili ito na parang umaawit na ibon at nabulabog ang ibang tindera at tindahan sa Tiangge. 

Halos 7 years lang ang pagitan ng kanilang edad nuong una silang nagkita at nang magkita nga sila ay alam na alam ni Venser na si Eesha lamang at si Eesha ang mamahalin niya hanggang sa dulo ng mundo. 

Mayroon pa ring girlfriend si Venser sa Maynila ngayon, ang sexy young actress na si Akee Roma ng dance group Angels of Fury.  Sila ang pinakamainit na celebrity na mag-loveteam sa showbiz at alam niyang lahat ng kapwa artista niya, lalake at pati na rin babae na nakakalimutan na babae sila, ay nag-iinit ang pagnanasa at umiibig din sa mahal niyang si Akee. 

Ngunit si Eesha ay naiiba. Inde niya alam kung bakit ganuon.  Basta alam niya na ibang-iba ang tama sa puso niya ni Eesha.  Isang dalagitang tindera ng alahas lamang mula sa probinsya sa tingin ng ibang nilalang.  Ngunit siya ang pinakamagandang kaibigan na nakilala niya nuon at tumulong pa ito sa kanya para makita ang mga magandang lugar sa Puerto Princesa nuong pangalawang bisita niya.  At nang pangatlo ay nagdesisyon na siyang magpatayo ng bahay niya malapit sa baryo ni Eesha.  

Lahat ng panahon na nakakasama niya si Eesha, tuwing bunibisita siya sa Puerto Princesa,  kahit gaano kaiksi ang oras, ay sobrang nagbibigay ng tuwa at giliw sa kanya at kapwa hindi alam ni Venser at ni Eesha na pareho silang starstruck sa isa’t isa tulad ng lamang ng tunay na pag-ibig na hindi.

Mister Dreamboy Visits (3 X 3 HEARTS)

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3
  4. Chapter 4
  5. Chapter 5
  6. Chapter 6
  7. Chapter 7
  8. Chapter 8
  9. Chapter 9
  10. Chapter 10

Feedback

comments powered by Disqus
Copyright © 2013-2018 DynamicMind Publishing Inc. All rights reserved.
DynamicMind Publishing Inc.

Follow Us