Know Better. Read!
Home  »  Memory Angel Romances  »  Mister Dreamboy Visits (Filipino Version) Chapter 3

Mister Dreamboy Visits (Filipino Version) Chapter 3

January 6, 2014 | By: Michael Rene D. Kanoy       Memory Angel Romances


CHAPTER 3

Nagpanggap si Venser na interesado siya sa mga ipinakitang panindang alahas ni Eesha na bibilhin niya para sa kanyang  ’pinsan.’  Sa tutoo, nagnakaw lang ng tingin at sulyap si Venser sa kanyang makulit na sweetheart na kaibigan na tuwang-tuwa na kausap siya  na para siyang anghel ng kalawakan na lumulutang sa harap niya.  Naaliw siya sa binibigay na atensyon at pansin ni Eesha at kahit na yung maliit na pagkakaila niya na si Akee at siya mismo ay anim na taon nang nagsasama bilang magkasintahan at itinatago niya ito kay Eesha.  Si Akee Roma ay kasing ganda ng diyosa ngunit si Eesha ay isang nakakabulag na anghel na gumising sa puso niya.

“Ang ganda naman niyan Eesha!  Para silang mamahalin na pamana tulad ng mga nauna mong binigay kay pinsan Akee.  Kunin ko na sila lahat!  Uhm…oo nga pala, busy ka ba ngayong gabi?  Hindi ko pa kabisado ang Puerto Princesa kahit na nagkikita tayo ng mga apat na taon na tuwing Disyembre.  Kung hindi masyadong abala sa magulang mo, gusto mo bang bumisita sa bahay ko at makitulog?  Pakita mo sa akin yung mga pasikot-sikot ng ciudad pag umikot tayo kinabukasan ng umaga.  Gusto kong malaman kung saan yung mga eskuwelahan, saan bibili ng gamot, groceries, hardware supplies at lahat ng ibang bagay.  Game ka ba?”  ...tanong ni Venser.

Hindi nag-dalawang isip si Eesha sa pagsagot kahit alam niyang tungkulin niya sa mga magulang niya na sunduin yung susunod na delivery ng mga stone beads mula sa Chinese wholesaler na kinukuhanan nila para sa mga mabentang ethnic necklaces na binebenta nila sa mga turistang tulad ni Venser.  Alam niyang magtatampo ang mga magulang niya at papagalitan siya sa pagiging iresponsable, bilang isang kolehiyala na isip bata pa rin ang asta at kilos dahil may lihim itong pagtingin sa isang kumag na tumutugtog sa isang banda—hanggang sa sabihan niya sila na si Venser Sojoner, na boyfriend ni Akee Roma ang nag-imbita sa kanya na samahan siyang umikot sa ciudad bilang guide. 

Malay ng magulang niya baka makuha pa siyang personal chef ni Venser kapag nag gradweyt na siya sa kanyang culinary course.  At sa sarap niyang magluto at maghanda ng chibog ay baka kakaibang ligaw pa at panunuyo para mapansin siya ni Venser bilang higit pa sa isang mapagkaibigan na tinderang may crush sa kanya sa Tiangge.

Mister Dreamboy Visits (3 X 3 HEARTS)

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3
  4. Chapter 4
  5. Chapter 5
  6. Chapter 6
  7. Chapter 7
  8. Chapter 8
  9. Chapter 9
  10. Chapter 10

Feedback

comments powered by Disqus
Copyright © 2013-2022 DynamicMind Publishing Inc. All rights reserved.
DynamicMind Publishing Inc.

Follow Us