Know Better. Read!
Home  »  Memory Angel Romances  »  Mister Dreamboy Visits (Filipino Version) Chapter 5

Mister Dreamboy Visits (Filipino Version) Chapter 5

February 15, 2014       Memory Angel Romances


CHAPTER 5

Pinarada ni Venser ang kanyang Range Rover sa Tiangge sa saktong pagpatak ng alas-siyete ng gabi, isang oras na siyang na late sa napag usapang oras ng pagkikita nila ni Eesha. Alam niyang hindi mapapakali si Eesha kapag nahuli siya ng isang oras ngunit inaasahan niyang patay na patay pa rin si Eesha sa kanya at nayaya niya itong kumain muna sila sa restaurant sa tabing dagat imbes na iuwi niya ito at landiin tulad ng ginagawa ng mga kabanda niya sa mga groupie na type nilang landiin. Gusto niya na masorpresa si Eesha ng isang romantic na dinner ngunit ayaw niyang maging obvious sa palusot niya at magkukunwari na lang siya na naghahanap siya ng magandang lugar kung saan ang ‘pinsan’ niyang si Akee ay naghahanap ng lugar kung maganda makipag date sa isa pang artistang lalake na type kunwari ni Akee.

Nakita niya si Eesha sa labas ng Tiangge na nakasalubong ang kilay sa kusumisyon at pag-aalala at laging simisilip sa oras sa kanyang cellphone.

Tapos nakita siya ni Eesha at ang ngiti ng babae at ang patalbog talbog na sayaw nito habang kumakaway sa kanya para lumapit ay nagbigay kumpiyansa sa kanya na ang gabi ay maaaring maging singganda ng kanyang naplano.

'Oist Venser! Late ka ha. Kinabahan ako na baka naligaw ka na naman papunta dito. Pero heto ka! Uyy, ang bango naman natin…este ibig kong sabihin na bago…ayun bago at guwapo ng suot natin ngayon ah. Hehehe. Salamat sa pag-imbita mo sa akin ngayong gabi! May dala akong lamabanog ha. Ay, hindi mo kelangang maglasing kaagad. Pero pag maginaw ng konti mamaya kung lalangoy ka, pampa-init din ng katawan. Puwede ako mag lifeguard tapos kuwento mo naman tungkol sa bagong movie mo ha. Pasuot mo kay Akee lahat ng binili mo ha pag lumabas siya sa movie,' magiliw na bulalas ni Eesha habang hindi makatayo ng maayos kasi kinikilig na kausap ang minamahal na kaibigan.

'Uy Eesha, censya na-late ako ng grabe, hindi ko kasi mahanap yung naitabi kong regalo sa iyo. Natanong ko si pinsan Akee kung matutulungan niya akong makahanap ng regalo para sa iyo. Mahilig si Akee sa mga regalo at sabi ko sa kanya tulungan niya akong humanap ng puwede kong ibigay sa iyo pamasko. Sabi ni pinsan ito raw yung maganda at bagay para sa iyo. Seksi daw at mukha kang diyosa pag suot mo ito,' sabi ni Venser habang iniabot kay Eesha ang kahon ng sapatos na may nakatagong mamahalin na Chinese Laundry gladiator shoes na regalo kay Eesha.

Napatunganga lang si Eesha sa mangha at nakabukambibig na nakatitig sa nakangiti at guwapong artistang kaibigan niya at ang sobrang garang seksi na pumps na may straps na regalo sa kanya. Ngunit agad siyang kumuha ng lakas ng loob na ngumiti at magpasalamat ng puspusan kahit na sa loob loob niya ay gusto niyang umiyak sa tuwa sa suwerte niya sa napakaganadang regalo ng isang nagmamahal na kaibigan na gusto niyang maging higit pa sa kaibigan ngunit hindi niya magawang landiin na parang baliw dahil mahal niya ito at gusto niyang mahalin din siya pabalik at hindi siya sigurado kung si Venser nga ay may pagtingin kahit paano ngunit ang pagregalo nito sa kanya ay maaaring isang senyas na maaari nga pa rin at iyon ay nakakaloka at iniiwasan niyang ngumising parang baliw din at ang tangi lang niyang magawa ay mahinhin na ngumiti ng tapat kay lalake habang tumulo sa pisngi niya ang isang luha ng kasiyahan at hindi na niya napigilan na lumapit kay Venser at yakapin ito bilang pasasalamat sa binigay nito sa kanya.

Si Venser naman ay nasiyahan na si Eesha ay natuwa at napaiyak pa ng konti sa sobrang gandang regalo para sa isang dalagang probinsyana na mayroon lamang pinakmalaking koleksyon ng mga pirmadong letrato niya bilang artista sa bahaging ito ng Pueto Princesa. Ngunit hindi lang bastang dalagang probinsyana si Eesha. Baliw na umiibig din si Venser sa kanya tulad ng paghanga ni Eesha sa kanya. Halos hindi rin mapigilan ni Venser na hindi itaas ang baba ni Eesha at lapatan ito ng halik, at nagawa lang nitong yakapin din ito na parang kaibigang matalik kahit na alam din niya na baka sakaling nagpipigil din ang dalaga ng tunay nitong nararamdaman dahil ayaw nitong mapahiya sa kaibigang artista.

Habang aka si Eesha, naisip din ni Venser na mabuti ring naging inspirasyon siya kay Eesha na masugid na humahanga at nagrerespeto sa kanya, at siyang nagiging tanging ligaya sa pagharap sa malungkot na buhay sa malayong bayan dahil kaya nitong maalala ang mga pagkikita nila at ang kanyang mga pelikula at ito’y nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na baka sakaling maaaring higit pa sa kaibigan ang maaari.

Nag-aalangang bumitaw sa pagkakayakap ang dalawang kaibigan at nahihiyang napangiti sila sa isa’t isa hanggang hinatak na ni Eesha si Venser na parang batang makulit papunta sa sasakan niya. Nagulat siya nang malaman niya na hindi sila pupunta sa pad ni Venser at mayroong silang dinner date para sa isang pabor sa pinsan niyang si Akee.

'Mag de date tayo? Sa Wharf Restaurant sa tabi ng beach resort? Naku! Okay! Bakit hindi? Tapos balik tayo sa bahay mo para maiyabang ko sa mga kaklase ko na si Venser Sojoner ay may pinaka-astig na mansion sa Puerto Princesa. Sana talaga masilip ko man lang ang bahay mo ha Venser?'

'Uhm, sure why not. Masaya naman ako at hindi ka tumanggi sa dinner date kasama ako na parang kinaladkad kita para sumama. Medyo nag aalangan ako na baka hinde ka sumama eh. Hahaha.'

'Wag ka ngang totorpe torpe sa akin, Venser. Sasama ako kahit saan basta ikaw. Best friends lang naman tayo na kumakain sa labas di ba? Huwag kang magulat na ganito ako ka prangka sa iyo. Best friends kaya tayo! At sobrang kakabaliw ng regalo ninyo ni Akee sa akin. Salamat sa iyo ulit, Venser. Sweet mo talaga. Galante pa man din.'

'Salamat din Eesha, pasalamatan mo si Akee huwag ako, wala akong alam sa magandang pumps. Bibisita si pinsan 2 weeks from now. Sige, tignan natin kung ano ang meron sa Wharf Restaurant. Gutom na ako.'

Mister Dreamboy Visits (3 X 3 HEARTS)

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3
  4. Chapter 4
  5. Chapter 5
  6. Chapter 6
  7. Chapter 7
  8. Chapter 8
  9. Chapter 9
  10. Chapter 10

Feedback

comments powered by Disqus
Copyright © 2013-2022 DynamicMind Publishing Inc. All rights reserved.
DynamicMind Publishing Inc.

Follow Us