Know Better. Read!
Home  »  Memory Angel Romances  »  Mister Dreamboy Visits (Filipino Version) Chapter 7

Mister Dreamboy Visits (Filipino Version) Chapter 7

February 15, 2014       Memory Angel Romances


CHAPTER 7


Nang nag-click at tumira ang mga huling preset shots ng SLR camera na may flash sa kanila, naramdaman ni Venser na si Eesha ay parang naiiyak at napapasinghot sa ilalim na braso niya at pinaharap niya ang dalagita para makaharap siya. Mahangin pa rin ang malalim na gabi at malamig ng kaunti.

'Eesha, ayos ka lang? Naipit ka ba sa bigat ng braso ko? Anong…mmmmphh…mmmmmmm. Eesha? Ano….mmmmmphhh…mmmmmm.'

May isang luha na tumulo sa pisngi ni Eesha habang nagnakaw siya ng isang matagal na halik kay Venser. Hinayaan niyang malasahan ni Venser ang labi niya ng sandali. Tapos saglit siyang bumitaw para lang masiguro na hindi na turn-off ang lalake. Nang maramdaman niyang humigpit ang kapit ng braso ng lalake sa baywang niya kahit na gulat at pagtataka ang una nitong reaksyon ito sa paghalik ni Eesha, lumakas ang loob ng dalagita at nagnakaw ulit siya ng mas matagal na halik.

Sa una ay mabagal at matagal na halik tapos naging mas mapusok. Naalala niya yung mga kilos ni Akee sa nasabing scandal video na na chismis yung crush niya. Hindi naman talaga alam ni Eesha kung tama ang ginagawa niya. Ngunit alam ni Eesha na dapat maramdaman ni Venser na mahal niya ang lalake kahit maaaring mali ang diskarte niya. Ayaw niyang makalimutan ni Venser siya kahit na aminin nitong hindi pinsan ang kasintahan niyang si Akee. Tapos naramdaman niyang humalik pabalik si Venser. At nang nagnakaw si Eesha ng sulyap sa crush niya ay nakapikit na rin ito at nakayakap ng mahigpit at duon lamang niya tinikman ang halik ni Venser at ang init ng pagmamahal nito at naisip-isp niya na ang kasintahan nitong si Akee ay tunay na masuwerte dahil minahal siya ng isang lalakeng walang kasing ganda sa buong mundo.

Pumatak na ng 11AM nang nagising si Eesha sa kama ni Venser at nakabalot sa kanila ang mga malambot na cotton sheets. Hindi sila nagsalita sa isa’t isa habang nakahiga at magkayakap. Ngumiti si Eesha sa alaala ng gabi at sa lakas ng loob niya na ipasantabi ang kanyang pagkakaibigan at ang maaaring pagkawala ng lahat sa kanya—ang pagtimpi niya sa sarili habang sa loob loob niya ay sumisigaw ang puso niya kay Venser na mahal na mahal kita, guwapong artista na mokong at alam kong mahal mo rin ako.

Nakahiga ang ulo ni Eesha sa dibdib ni Venser at inaalala ang bawat sandali nila ng lalake nang tinapos nila ang kanilang pagkakaibigan, walang salitaan, tinginan lang sila at alam na nila na mabuti at masaya na rin na hindi na sila magkaibigan, at ang kanilang mapusok na pag-iibigan kanina sa pool, at sa sala, at sa laundry room, hanggang sa master bedroom. Naramdaman niyang humihinga si Venser, mabagal na gumagalaw ang dibdib nito, naririnig niya ang tibok ng puso nito. Nais ni Eesha na hindi siya makalimutan ng lalake kung ito na ang huling pagkakataon na sila’y hindi na magiging magkaibigan. Kaya binigay niya ang kanyang pag-ibig kay Venser na parang siya nag huling lalake na kanyang mamahalin. Matamis lahat iyon. Singtamis ng hangin mula sa dagat at bundok sa madaling araw na sumasamyo sa loob ng master’s bedroom na tinutulugan nila. At bago niya iniwan si Venser na natutulog pa rin, masaya na ang romantic evening nila ay sobrang perfect at hindi rin niya mamasamain na baka magising si Venser at tawagan siya at magpilit na nagkamali lang at nadala sila at kahit na malapit ang dalagita sa puso niya ay ‘pinsan’ niyang si Akee ang tunay niyang kasintahan at walang tunay na seryoso o mas malalim na relasyon ang mamamagitan sa kanilang dalawa at diyoskopo, para lamang siyang nakababatang kapatid ni Venser at lahat—ngunit alam ni Eesha na hindi maipapaliwanag ni Venser ang sarili na kumawala sa lahat na matamis na nangyari sa kanila at tititigan lang niya ito sa mata at sasabihin niya na okay lang ang lahat at hindi na ito kailangan magpaliwanag sa lahat ng ngangyari at gusto lang niyang tandaan ni Venser lahat ng mabuting bagay tungkol sa kanya at sa kanila.

Isang luha ng tuwa ang nagpuwing sa mata niya at yumuko siya para bigyan ang lalakeng mahal niya ng isang huling halik sa pisngi, sininghap niya nag magulo nitong buhok at nilapat nito ang kumot para hindi mahamugan ang crush niya habang natutulog ito at nagmadali siyang magbihis at umalis sa bahay. Kahit na umabot ng isang mahabang oras ng paglalakad bago makasakay siya ng tricycle pabalik sa bahay niya, at hindi maging istorbo kay Venser kapag nagising ito. Masaya si Eesha na pareho nilang mahal ang isa’t isa at tunay ang nararamdaman nila sa isa’t isa kahit isang gabi lang nilang isinuko ng malaya ang kanilang inililihim na pag ibig—hindi naman lasing si Venser tulad ng una niyang balak bago niya akitin ito—tunay na pagmamahal ang naramdaman niya sa lalake dahil nakita na niya kung paano ito tunay na magmahal duon sa chismis na scandal video na hindi naman niya pinaniniwalaan talaga.

Sa mga sumunod na tatlong araw, si Eesha ay umiwas makita ng kahit sino. Nagtago ito kahit sa kanyang mga magulang at nagpalipas ng oras malapit sa beach kung saan dati siyang nangongolekta ng sea shells at ginagawang kuwintas ito nuong paslit pa siya. Hindi niya alam tuloy kung galit si Venser sa kanya dahil naglandi siya rito sa paraang hindi inaasahan ng lalake at parang balatkayo lamang ang pagkakaibigan nila. Hindi na gusto ni Eesha malaman kung kinalimutan na siya ni Venser ang matamis na gabi nilang dalawa at malas na lang siya kung ito ay magiging tulad ng mga isang gabing aliwan na nachichismis sa mga rock star at mga fangirls na malandi na hinahagis ang kanilang underwear sa stage.

Nais lamang ni Eesha na maalala niya na nagnakaw sila ng crush niyang artista at best friend ang isang matamis na gabi ng pagmamahalan at naramdaman nila sa isa’t isa nag tunay na alam nilang itinatago nila sa isa’t isa kahit na sila man ay hindi umamin ng deretsuhan na sila’y nagkakagustuhan kaya naghanap sila ng nakaw na sandali para mahanap ang pagkakataon na magtapat ng puso—teka parang nagpapalusot lang siya dahil masaya siya sa mainit na pagmamahalan nila ng crush niya nang hindi nito namalayan na hindi siya makakapalag sa halik ni Eesha. Aaargh. Bakit ganito kakumplikado ang buhay? Gusto mo ang isang lalake at gustong-gusto mo siya at alam mo na maaaring gustong gusto ka rin niya—para magtago ng bola na hindi kapnipaniwala na si Akee Roma ay ‘pinsan’ lamang niya at nilalaro lang nila ang lab team sa showbiz dahil maraming fans ang nagmamahal sa kanilang tambalan.

Malungkot ang puso ni Eesha kasabay rin ng lubos na nararamdaman nitong saya sa kanyang relasyon nila ni Venser. Ano kaya ang susunod na kahibangan na mangyayari, naisip niya na nagmumukmok ng walang patid tulad ng dati niyang ginagawa nang marinig niya ang mga chismis na si Venser ay mayroon nang girlfriend nuon pa, isang kaakit-akit na singer, si Lillee Vess, na medyo mas matanda ng hindi konti kay Venser na parang ninakaw ang kaluluwa ng kanyang irog, isang cougar-witch na kailangan ng mga guwapong lalake tulad ni Venser para hindi ito tumanda at ma-losyang.

Napatikhim si Eesha. " Nababaliw na ako."  Tapos bigla niyang nakita pumarada ang dilaw na Range Rover ni Venser sa malayo sa kanyang kinauupuan sa beach, at bumaba ito at nakita siya at kumaway habang kalmadong naglakad palapit sa kinaroroonan niya.

"Naku, mukhang ito na yung kinakatakot kong mangyayari, pagtatapat na ni Venser na hanggang magkaibigan lang sila at nadala lang sila ng gabing naglakas loob siya na halikan ang crush niya at mas mainit pa roon ang mga sumunod na pagtatapatan ng damdamin. Sandali lang ang pangambang ito bago nalunod ang puso niya at kaluluwa niya ay natunaw sa alaala ng gabi nila at nagkaroon siya bigla ng munting pag-asa at pangarap kaya ngumiti siya, tumayo at naglakad na nanginginig ang tuhod palapit sa mahal niyang kaibigang artista.

Mister Dreamboy Visits (3 X 3 HEARTS)

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3
  4. Chapter 4
  5. Chapter 5
  6. Chapter 6
  7. Chapter 7
  8. Chapter 8
  9. Chapter 9
  10. Chapter 10

Feedback

comments powered by Disqus
Copyright © 2013-2022 DynamicMind Publishing Inc. All rights reserved.
DynamicMind Publishing Inc.

Follow Us