Know Better. Read!
Home  »  Memory Angel Romances  »  Mister Dreamboy Visits (Filipino Version) Chapter 4

Mister Dreamboy Visits (Filipino Version) Chapter 4

February 4, 2014       Memory Angel Romances



CHAPTER 4

Magiliw na sumagot si Eesha, “Uy, sa tingin ko makakapag paalam ako para maka sleepover sa bago mong bahay, Kuya Venser. Tulungan kitang umikot sa ciudad at makita kung saan lahat ng mga tindahan. Kilala ka naman ni Nanay at minsan selos nga siya na ako lang nakikipagkita sa iyo kapag bumibisita ka dito sa Palawan tuwing Disyembre taon taon.

Basta siguro payagan mo naman akong kumuha ng mga litrato nating magkasama para sa Facebook namin nina nanay at tatay. Alam mo namang pinagmamalaki ka nila na nanliligaw daw sa akin sa mga kaibigan nilang chismoso. Hihihi. Censya na medyo kapal ko noh. Hayaan mo alam ko lahat ng lugar na mura benta ng mga isda at gulay. Sana may malaking freezer ka sa bahay dahil malayo puntahan mga palengke minsan at kelangan mong may pagkain sa bahay."

'Sige Eesha. Sunduin kita ng mga 6PM para maka-biyahe tayo ng maaga sa malapit sa bangin kung saan nakatayo bahay ko,' bitaw ni Venser habang binuhat yung mabigat na brown paper bag na puno ng mga accessories at alahas para sa girlfriend niyang si Akee Roma.

“Salamat sa paunlak! Sana mabisita ko na yung mansion mo pogi!” Sigaw ni Eesha habang kumakaway si Venser sa kanya papalabas ng Tiangge dala yung pinakyaw niyang paninda.

Nang hapon na iyon, si Eesha ay nagpaalam sa kanyang Papa na maiwan ang mga gawaing bahay ng maaga at makauwi para makaligo siya na parang prinsesa at masuot ang cute niyang dress, maka empake ng pantulog na pajama, tuwalya, sabon at ang paborito niyang kasuy.

Nagdala rin siya ng nakabalot na regalo para kay Venser—isang pares ng kamagong na arnis sticks—narinig niyang si Venser ay nag-aaral ng eskrima at mura ang mga kamagong sa Puerto Princesa.

Nais niyang makita si Venser humahataw ng mga gulong na nakapatong sa isang poste, nakita ni Eesha na may ilang You Tube vids ni Venser ang naka-post habang nag prapraktis ng sinawali sa poste ng mga gulong. Kaya ni Venser ang patamain ang mga gulong ng 300 hits per minute ang poste ng mga gulong na parang batak na eskrimador. Si Akee pa ang kumuha ng mga video na iyon.

Napatikhim si Eesha. Alam niya na nagsisinungaling si Venser at hindi niya pinsan si Akee Roma ngunit hindi niya masyadong dinamdam ito. Lihim ding natuwa si Eesha sa pag isip na si Venser ay nakikipaglandian sa kanya kaya sinabi nitong pinsan lang niya ang kasintahan nitong artista kaya sumakay na lamang siya at nagpatuloy sa kanyang pagiging fangirl kahit sa loob loob niya ay parang natutunaw ang tuhod niya tuwing nagkikita sila ng guwapong binata.

Inaasahan niya na kung maiwan sila ni Venser ng nag-iisa sa bahay nito ay baka makakilos siya ng hindi bantay ng binata ang sarili at makanakaw siya ng higit pa sa isang sulyap o tingin o yakap kaibigan o goodnight kiss o baka maging tanga si Venser at maglasing ng todo para hindi nito mapansin ang nakaw na halik niya sa lalake at makatulog sila sa bisig ng isa’t isa at matuwa lamang sa ganung paglalambingan kahit na hindi na siya maging mas malandi pa tulad ng ibang babae kung magkaroon sila ng pagkakataon ma solo si Venser.

Alam niyang mahal niya si Venser at alam niyang ang lalake rin ay may pagtingin sa kanya kaya ito dumadalaw taon taon at bumibili ng alahas na sing halaga ng kalahating semester ng tuition para sa kanyang sobrang kaakit-akit na kasintahan na si Akee Roma na kung makasayaw ay kahit sinong bakla ay magiging lalake kapag napanood ito. Pinsan mo ilong ko, sinungaling na guwapong anak ng mga diyos ng Viking. Napatikhim ulit si Eesha.

'Magdadala kaya ako ng lamabanog para sigurado,' naisip nito ng pasalbahe. Siguro wag na lang.

Mister Dreamboy Visits (3 X 3 HEARTS)

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3
  4. Chapter 4
  5. Chapter 5
  6. Chapter 6
  7. Chapter 7
  8. Chapter 8
  9. Chapter 9
  10. Chapter 10

Feedback

comments powered by Disqus
Copyright © 2013-2022 DynamicMind Publishing Inc. All rights reserved.
DynamicMind Publishing Inc.

Follow Us