Know Better. Read!
Home  »  Memory Angel Romances  »  Mister Dreamboy Visits (Filipino Version) Chapter 9

Mister Dreamboy Visits (Filipino Version) Chapter 9

June 2, 2014       Memory Angel Romances


Chapter 9

"Hay naku, Eesha naman," sabi ni Venser.

Sniff. Sniff. Sniff.  Si Eesha ay naiiyak sa tuwa.

Kapwa napatingin sa isa’t isa sina Eesha at Venser na parang hindi makapaniwala sa lahat ng nangyari. Umiiyak na si Eesha at nabuko na ang lihim niyang pag-ibig bilang fangirl kay Venser at nalagay sa alanganin ang kaniyang pagkakaibigan sa artista dahil nagtapat siya ng kanyang damdamin kahit na baka mawala na ang lahat ng namagitan sa kanila. Nakatingin si Venser sa kanya, taranta pero tapat ang loob ngunit hindi sigurado kung paano ipaliwanag sa kanya na siya lang ang tanging dahilan kung bakit umuuwi siya sa Palawan taon-taon at kung bakit itinayo niya ang kanyang bahay duon—para makita siya ng mas madalas bago may ibang asungot na heartbreaker ang magnakaw ng puso ni Eesha mula sa kanya.

At nalaman ni Venser sa paraan na hindi pangkaraniwan na pareho ang nararamdaman ni Eesha sa kanya. Naramdaman niya ang init ng pag-ibig ni Eesha sa kanya noog gabing iyon manakaw at maitakbo ang puso niya at kahit si Akee at hindi kayang matakbo ang puso niya ng ganoon at mapilitan siyang hanapin ang babae para maramdaman niya muli ang puso niya at masuyo si ang babae na ibahagi din ang puso nito sa kanya at hindi lang solohin ang puso ng lalake para lang sa sarili.

“Eesha, alam kong mayroon tayong hindi pangkaraniwan na pagtitinginan sa isa’t isa kaya tayo nagkikita ng minsanan bawat taon at tayo’y umiikot ng ciudad, pinadadalhan kita ng mga autographed movie stills ko at mga DVD copy ng mga pelikula naming ginawa sa taon kung kalian hindi tayo nagkikita, at nagpapalitan tayo ng liham bawat linggo—totoong mga liham na sulat kamay sa pagitan ng salwang totoong magkaibigan."

"Ang tanging lihim na hindi ako naging tunay na tapat sa iyo ay si Akee Roma ay hindi ko tunay na pinsan at siya talaga ang aking kasintahan na taga showbiz sa tutuoong buhay kasi ayaw kong nag iingat ka na mapalapit sa akin dahil lang mayroon akong sikat na girlfriend na naghihintay sa akin sa Maynila. Gusto ko lang na malaman mo na gusto talaga kita tulad ng alam mo nuong gabing tayo’y nagsama’t nagtapat ng ating mga nararamdaman."

“Venser, alam ko nan a medyo pinapaikot mo lang ako nang sabihan mo ako na pinsan mo lang si Akee at hindi mo siya girlfriend para hindi ako matakot masyado at maging mabuting magkaibigan tayo kahit si Akee pa ang ‘pinsan’ mo kuno. Venser, patay na patay ako sa iyo mula pa nuong katorse anyos ako at ayaw ko na ibigin kita bilang isang ‘kapatid na babae’ lamang kaya nuong magkaroon ako ng pagkakataon…"

"Ginawa kong mahalin ka na parang ako ang girlfriend mo at lagi ko noon iniisip kung paano kita mamahalin bilang kasintahan kaya ganun ang ginawa kong pag tapat sa iyo. Pero sobrang natakot ako na baka pag nagising ka ay baka maging parang hang over lang iyon sa iyo kaya umalis ako habang tulog ka…at ngayon ay….nahihiya ako sa sarili ko na ginawa koi yon…parang ako tuloy ang salbaheng nagsamantala sa kabaitan mo,” sabi ni Eesha.


Mister Dreamboy Visits (3 X 3 HEARTS)

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3
  4. Chapter 4
  5. Chapter 5
  6. Chapter 6
  7. Chapter 7
  8. Chapter 8
  9. Chapter 9
  10. Chapter 10

Feedback

comments powered by Disqus
Copyright © 2013-2022 DynamicMind Publishing Inc. All rights reserved.
DynamicMind Publishing Inc.

Follow Us