Know Better. Read!
Home  »  Memory Angel Romances  »  Mister Dreamboy Visits (Filipino Version) Chapter 10

Mister Dreamboy Visits (Filipino Version) Chapter 10

September 8, 2014       Memory Angel Romances


Chapter 10

“Eesha, I love you. Mahal kita mula pa nuong unang beses na nakita kita na nagtititili at nangungulit sa akin na pirmahan ang 50 pictures ko na koleksyon mo apat na taon na ang nakaraan. Nuong una tayong nag banggaan sa Tiangge sa ciudad. Ayaw kong magustuhan mo ako dahil artista ako, at mas ginusto ko na mahalin mo ako dahil ako si Venser ang kaibigan mong nagpapanggap na wala siyang crush sa iyo pero ginagawa ko naman lahat ng bagay na ginagawa ng lalakeng may pagtingin sa iyo para matunugan mong baka okay naman tayo kahit mukhang kaibigan lang tayo. Hindi ka naman nagsamantala ng kabaitan ko kahit kalian.  Pareho tayong kumuha ng pagkakataon na mahanap ang hinahanap natin sa isat’ isa at mapadama ang tunay na ating nadarama. Alam kong mahal mo ako tulad ng pagmamahal ko sa iyo."  sabi ni Venser kay Eesha

Hindi na nagsalita si Eesha sa narinig niya kay Venser at tumakbo siya rito at umiyak sa shirt nito. Magiging maayos din pala ang lahat sa huli. Wala nang kailangan pang sabihin sa isa’t isa. Ngayon sobrang hindi talaga makakalimutan ang kanilang pagsasama.

Pinasakay ni Venser muna si Eesha sa SUV bago siya sumakay at pinaandar ito. Si Eesha ay umusad palapit sa kanya sa driver seat at bumulong sa tenga niya…”You forgot to kiss me.” Napatingin si Venser sa kanya panandalian at kinasa niya ang handbrake at yumuko kay Eesha para halikan ang naghihintay nitong ngiti.

Mahal talaga ni Eesha ang lalake at alam niya na mahal din siya nito. Nadama nito ng pag-ibig ni Venser nang mapa-alala niya kay Venser kung gaano sila ka cute at mainit na nagmamahal nuong unang gabi na sila’y nagparamdam ng pag-ibig sa isa’t isa.

Ngumiti si Eesha sa sarili nang maalala ang isa sa mga sulat ng ‘pinsan’ Akee ni Venser na nagsasabi sa kanya na bilisan niyang kunin ang puso ni Venser para hindi na magpanggap si Akee na siya ang putris na artistang pinsang sexy ni pogi at inaasahan niyang magkikita silang tatlo at magkukulitan sa pad ni Venser pag binisita niya si Eesha sa loob ng dalawang linggo at walang ibang gawin kung hindi ang mga bagay na ginagawa ng mga umiibig sa isa’t isa.

Naisip ni Eesha na baka magulat na lamang si Venser na dalawa na ang umiibig sa kanya na ka-close niya, at magiging cute at magiliw na sila kahit ano pa ang sabihin ng mga chismoso at mga haters.

Naku, ang mga nangyari sa amin ay magiging mahirap ipaliwanag kina nanay at tatay pero hindi naman siguro magagalit sila. Basta mahal ni Akee si Venser at mahal ni Venser si Eesha ay hindi masyado magiging magulo ang buhay kung pareho nilang mahal talaga si Venser. Naramdaman ni Eesha na tunay siyang naging blessed at nagpapasalamat talaga siya na nakahanap siya ng pagmamahal sa dalawang tao na matagal na niyang hinahangaan.


END of STORY ARC 1

Mister Dreamboy Visits (3 X 3 HEARTS)

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3
  4. Chapter 4
  5. Chapter 5
  6. Chapter 6
  7. Chapter 7
  8. Chapter 8
  9. Chapter 9
  10. Chapter 10

Feedback

comments powered by Disqus
Copyright © 2013-2022 DynamicMind Publishing Inc. All rights reserved.
DynamicMind Publishing Inc.

Follow Us