Know Better. Read!
Home  »  Memory Angel Romances  »  Mister Dreamboy Visits (Filipino Version) Chapter 8

Mister Dreamboy Visits (Filipino Version) Chapter 8

February 15, 2014       Memory Angel Romances



CHAPTER 8

Kumusta Eesha? Ayos ka lang? Hinidi kita mahanap kaihit saan. Sabi ng magulang mo dito ka raw tumatambay nang sabihan ko silang may naiwan kang mga letrato sa akin. Sabi ni Venser.

Pinakita ni Venser sa kanya ang mga lokohan nilang mga letrato at nakita ni Eesha na hindi naman lokohan ang mga kuha at nagpapanggap lang silang dalawa ng mga kuhang malandi pero sila talaga’y kumukuha ng pagkakataon na mapalapit sa isa’t isa. Nag blush si Eesha at nakita ang pagka-abala na maidudulot nito sa mga magulang niya kung makita nila ang mga ito, at naku lagot talaga siya sa nanay niya at mapipingot ng husto hinde lang tenga niya at baka pati ilong niya ay tumangos sa pingot.

“Ummm, hinde kita gusto mag abala nuong umaga kaya iniwan na lang kitaang natutulog total mukhang mahimbing na mahimbing ang idlip mo at ayaw kitang maaburido. Pasensya na Venser. Hindi ko sinadyang masaktan ka sa pag alis ko. Hindi ko rin gustong maramdaman mo na inagrabiyado kita. Natakot lang ako na baka lang maging parang one-night stand lang yung nangyari sa atin at mas mahihiya ako sa sarili ko dahil inakit kita at ganun lang ang mangyayari kaya umalis ako at nagkubli ng ilang araw. Iniwanan sana kita ng message or kahit text man lang para hindi ka mag-alala, paliwanag na mabagal at mahinahon ni Eesha.

“Eesha, hindi ako magsasayang ng huling tatlong araw na naghahanap sa iyo kung one-night stand lang yung nangyari sa atin at gusto ko yun makalimutan agad. Nag alala ako ng todo sa kalagayan mo. Susmaryosep, naisip ko na baka ako ang nagkamali kaya iniwan mo ako at gusto kong malaman mo na hindi maaaring akong magsamantala sa iyo nuong gabing nagsama tayo…

(Of course you weren’t you idiot, I love you at I love you and I wanted you to love me back for real, naisip ni Eesha sa loob loob lang niya habang pinakikinggan ang crush na artistang naging kalaguyo niya.)

Alam mo Venser, hindi ka naman nananamantala ng kahit sino. Pasensya na nagkubli ako sa iyo. Siguro alam mo nan a gusto talaga kita at naisip ko na baka gusto mo rin ako talaga kaya nagawa natin ang gusto natin para mapamahal sa isa’t isa at medyo nakakalokang isipin at matamis ang gabing iyon at iyon ay hindi ko talaga makakalimutan at sana ikaw rin. Sniff. Sniff…. Nangamba lang ako na baka pag gising natin ay hindi pala ito tutoo kaya itinago ko yung alaala na atin lang talaga iyon at umalis bago nagising ka. Censya na…



Mister Dreamboy Visits (3 X 3 HEARTS)

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3
  4. Chapter 4
  5. Chapter 5
  6. Chapter 6
  7. Chapter 7
  8. Chapter 8
  9. Chapter 9
  10. Chapter 10

Feedback

comments powered by Disqus
Copyright © 2013-2022 DynamicMind Publishing Inc. All rights reserved.
DynamicMind Publishing Inc.

Follow Us