Know Better. Read!
Home  »  Memory Angel Romances  »  Mister Dreamboy Visits (filipino Version) Chapter 6

Mister Dreamboy Visits (filipino Version) Chapter 6

February 15, 2014       Memory Angel Romances


CHAPTER 6
Sumakay ang dalwang magkaibigan sa Range Rover pabalik sa halos patapos nang itayo na bahay ng artistang lalake. Ang bahay ay mukhang mas maliit na version ng mansion sa pelikulang Dark Shadows, isang gothic haunted house na talagang romantic at napaka Venser Sojoner ang dating. Sa loob ay may mga lugar na halos tapos na ngunit ang pag-finish ng mga detalye ay mga tatlong buwan pa bago matapos dahil talagang mga taga-Paete, Laguna pa ang kinontrata ni Venser para malilok at gumawa ng mga hulma ng mga huling props ng bahay niya . Sa gayunpaman, maaari nang tumira sa bahay ng artista ng walang sagabal, may kuryente at tubig na ito, at isa sa mga naunang natapos sa mansion ay ang infinity pool na nakapuwesto malapit sa bangin sa labas ng bahay.

Sa gilid ng infinity pool ay may submerged bar. Doon nakapuwesto si Venser at nakapagpalit na siya ng swimming trunks. Gumagawa siya ng coolers para sa kanila ni Eesha at inilatag niya yung mga palamig na inumin sa tabi ng pool. Lumangoy si Venser ng ilang laps para mag unwind at mag relax. Hinayaan niya si Eesha na umikot sa bahay niya para masilip nito ang mga natapos nang kuwarto sa mansion niya. Aliw na aliw si Eesha sa lahat ng nakita niya sa bahay ng crush niyang artista. Para itong set sa isang Hollywood movie, majestic at comfortable kahit parang haunted house ang itsurang pinili ni Venser. May mga gargoyles na inukit sa mga poste ng bahay, mga tableau ng mga wood carved na eksena ng mga scarecrow at mga werewolves at isang anyo ng buwan na mukhang sungay ng demonyo or ang tinatawag na devil’s moon sa mga pintuang narra ng bahay.

Narinig ni Eesha na gumastos ng malaki si Venser para magpagawa ng mga heirloom furniture sa sikat na designer-master carpenter na si Benji Reyes at lahat ng nakita niyang mga mesa, aparador at mga silya na naipagawa ay sobrang astig aang pagkakagawa dahil sa mga kakaibang hubog at ukit na nagawa sa kahoy na akala niya ay hindi kayang magawa sa kahoy.

Humanga siya kakaiba pero mahusay na taste ni Venser sa kanyang pagpatayo at pagbuo ng kanyang bahay. At kahit maraming nagkalat na mga chismis tungkol kay Venser at Akee Roma na nagkaroon ng scandal video na kumalat sa internet, hindi niya maatim na maniwala na ang crush niyang artista ay ang napanood niyang guwapong nakikipagtalik kay Akee Roma na parang isang Asgardian god at isang witch maiden na nasa isang bawal na ritwal ng pag ibig sa laundry room ng bahay na ito. Whew. Nang maalala niya ang kaba at kahihiyan niya sa pag download ng video na iyon sa kanyang mabagal na PC at ang hindi pagtanggap na si Venser ay ganun na lamang makipag love-making ay uminit ang pisngi niya at medyo nanlambot ang tuhod niya nang maalala niya kung paano na lamang ang init ng pagbalik ni Akee Roma sa pagmamahal ni binibigay sa kanya ng boypren.

Napabunting hininga si Eesha. Talaga palang dito nila ginawa iyon, at walang pagkakaila pa doon.

Hay naku. Buti na lang yung mga kumakalat na lason at chismis na kuwento tungkol kay Venser na mayroong relasyon sa ibang lalake na foreigner ay pulos kalokohan. Ang kanyang celebrity idol at best friend ay lalakeng lalake. Nang makuntento na si Eesha sa pagmumuni at pag tiyak tungkol sa mahal niyang kaibigan na nakikipag-love making sa witch maiden at ‘pinsan’ Akee, bumalk siy sa infinity pool na may magandang ngiti sa kanyang mukha at isang malayong pagbabakasakali na baka siya rin ay suwertehin kung ang mga bituin ay nakaayos sa kalangitan para magbigay ng suwerte ngayong gabi. Hay naku. Sino kaya niloloko niya? Sa isip ni Venser ay parang nakababatang kapatid na babae ang turing sa kanya ng crush niya at parang asar talo siya pag naiisip niya ito.

Naka ilang laps na si Venser sa pool nang lumapit si Eesha sa stone bench na katabi ng submerged bar kung saan nakalatag ung mga palamig na inumin na ginawa ng laalke kanina. Nakangiti si Eesha kay Venser na parang may itinatagong na kalokohan dahil hindi nito maalis sa isip nito na si Venser at Akee ay hindi talaga magpinsan ngunit magkasintahan at natatawa siya sa loob-loob niya na inililihim ni Venser ito sa kanya.

May alam ako na hindi mo alam—naisip ni Eesha kay Venser na parang malditang fangirl na ang tanging Gawain sa buhay ay alamin lahat ng sikreto at lihim ng kanyang movie idol crush—at talaga namang alam niya ang lihim nito.

“Naku, ang ganda ng bahay mo Venser! Kakaiba at misteryoso parang may itiniatagong kababalaghan. Pero ganito gusto mo di ba? Astig!” , sabi ni Eesha sa paraang hindi mababasa ni Venser na nabuko na niya ang lihim ng kaibigan niya.

Oo nga noh…medyo parang maarte masyado. Pero isip bata pa rin naman ako at pinangako ko sa sarili ko na magkakaroon ako ng bahay na tulad ng kay Casper nuong mapanood ko ang movie na iyon nuong bata ako. Ngayon solo ko na ang mansion ko ng mga Mumu.” Sabi ni Venser, na nakangiti sa kanyang napupusuan na kaibigan.

"Eesha, si Akee yata ay may naiwan na extra swimsuit sa kuwartong katabi ng master bedroom. Hindi bikini ha. Magugulat ka na mas gusto niya yung mga pambata ng mala-50s style bathing suits, yung mga nakatakip lahat. Kunin mo isa kung gusto mo lumangoy , hindi naman siguro mamasamain ni Akee yun kung hiramin mo."

'Talaga Venser? Dala ko naman yung aking napaglumaang one piece at nagbabakasakali nga akong ma-imbita mo ako para lumangoy din. Hihihi. Kapal ko noh? Alam kong mamamatay sa inggit lang yung mga kaibigan ko kung may mga letrato ako na lumalangoy kasama ikaw at sasabihin ko sa kanila na ginagawa lang natin ito araw araw. Hahahah.” , bulalas ni Eesha na parang nahihibang.

Mister Dreamboy Visits (3 X 3 HEARTS)

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3
  4. Chapter 4
  5. Chapter 5
  6. Chapter 6
  7. Chapter 7
  8. Chapter 8
  9. Chapter 9
  10. Chapter 10

Feedback

comments powered by Disqus
Copyright © 2013-2022 DynamicMind Publishing Inc. All rights reserved.
DynamicMind Publishing Inc.

Follow Us